4.24.2009

kung bakit hindi pa siya nandito?

napa isip talaga ako nung nabasa ko ang post ni gillboard. kung bakit "cheesy" o "keso" kapag na-iinlove ang tao.

one year and four months na akong single. wlang nagpaparamdam kahit isa. hindi ako nagpapa humble effect dito. talagang wla!!. at kung bakit, hindi ko talaga alam. aha, meron pa lng isa na sa tingin ko nagpaparamdam ngunit sa huli, massacre pa lng ang theme namin at hindi love story. gets nyo?

honestly lng talaga, minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. kasi, mostly sa kanila ay "going strong" na sa kanilang mga relationships. at heto ako, nag-iisa pa rin at wlang karamay sa hirap at ginhawa..haha..

"cheesy" talaga kapag in love ka kasi, "everything in your life has reasons now"..napansin nyo b?kahit simpleng mga bagay merong halaga, merong purpose at merong reasons kung bakit nangyayari. lahat ay maganda at lahat ay puro masaya. kahit buhusan ka pa ng napakaraming problema ay ngumingiti ka pa rin. hay..na mi-miss ko na ang pagiging "cheesy".

kaya nga, kung bakit hindi pa nandidito si mr. lovelife? siguro ay:

1.) hindi siya marunong bumasa ng map, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nya nahahanap kung nasaan ako.
2.) natutulog pa sya at hindi pa sya gising. baka sobrang sleeping pills ang nainom nya. at kung saan kami ay matanda na, dun pa sya magigising at dun pa kami magkikita.
3.) hinahanap ko sya at hinahanap nya rin ako. problema ay hindi kami magkatagpo sa iisang lugar.parang tom and jerry yung theme- hide and seek kunwari ang drama.
4.) sya yung naghihintay sa akin at ako yung dapat maghanap sa kanya.

hay.kaya ako, kung daratng sya, darating sya. kung para sa akin, para sa akin. and life must go on. marami namang magandang bagay dito sa earth na magbibigay saya sa buhay..

4 comments:

  1. blogwalking..exchange links???

    ReplyDelete
  2. yes!!..and why not, banker?..hehe...

    ReplyDelete
  3. hey, may special mention pala ako dito... salamat.. ishare ko lang yung sinulat ko dati regarding staying single...

    -maaaring mataas ang iyong standards
    -naghahanap ka ng pag-ibig sa maling lugar
    -naghihintay ka lang
    -pinakawalan mo yung tamang tao para sayo

    la lang... salamat ulit sa paglink..

    ReplyDelete
  4. welcome din..hehe..cguro tama ang mga sinabi..pero hindi nmn ako nag mamadali..bata pa naman ako..hehe..

    ReplyDelete

your words would always spice up my life =)